Paano malalaman ang mabuti?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano malalaman ang mabuti?

Sagot verified answer sagot

Ang pagiging mabuti ay isang magandang katangian. Ang isang tao ay maaaring magpakita ng kabutihan sa maraming paraan.

Isang halimbawa nalang ay ang pagtulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit. Malalaman mo ring mabuti ang isang tao kung siya ay may busilak na puso.

Ang ibig sabihin nito ay pagmamahal lamang ang nararamdaman niya para sa kahit sinuman o anuman, walang sama ng loob at walang poot.

Kung ikaw ay walang nasasaktan o tinatapakan na tao, ikaw rin ay masasabing mabuting tao. Ang pagiging tapat, tunay, maunawain, marespeto, mapagkumbaba, mapagpasensya, mapagbigay, at maaalahanin ay mga katangian ring nagpapakita ng kabutihan.