Paano masasabing umiiral ang pagtutulungan sa pamilya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano masasabing umiiral ang pagtutulungan sa pamilya?

Sagot verified answer sagot

Paano masasabing umiiral ang pagtutulungan sa pamilyaMasasabing umiiral ang pagtutulungan sa pamilya kung ang bawat isa ay kumikilos para sa mithiin ng isa’t isa at kabuuan ng pamilya.

Kung ang bawat miyembro ay aktibong nakikibahagi at ginagawa ang kanilang responsibilidad upang maitaguyod ang isang pamilyang produktibo, responsable at disiplinado, at may takot sa Diyos, ay masasabing may pagtutulungan sa pamilya.

Maaaring magbigay ng oras ang bawat isa sa kanilang miyembro upang magawa ang kanilang mga responsibilidad sa loob ng bahay, sa paaralan, at sa kanilang komunidad.

Ang pagtutulungan ng pamilya ay isang mahalagang salik sapagkat ang pamilyang hinuhubog ang pagtutulungan ay naidadala sa kanilang buong lipunang kinabibilangan.