Paano mo mailalapat sa iyong buhay ang konsepto ng sociological imagination?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano mo mailalapat sa iyong buhay ang konsepto ng sociological imagination?

Sagot verified answer sagot

Paano mo mailalapat sa iyong buhay ang konsepto ng sociological imaginationAng konsepto ng sociological imagination ay mailalapat ko sa aking buhay sa konsepto ng pagharap sa mga suliranin bilang isang teenager.

Ang sociological imagination ay isang konsepto na kung saan sinasabing ang mga personal na problema ay maaaring ituring na pampublikong isyu.

Bilang isang teenager, marami akong personal na isyung hinaharap katulad ng mga pagbabagong nagkakaroon ako sa buhay ko, mula sa mga pisikal hanggang sa emosyonal at mga responsibilidad.

Ngunit ang mga ito na isang malaking dagok ay maaaring isipin ko na isang isyu na dinaraanan naman ng mas maraming indibidwal sa mundo at hindi lamang ako ang dumaraan sa ganito. Sa paraang ito ay mas matatanggap ko ang pagbabago at makahihingi ako ng payo sa iba.