Paano mo mailalarawan ang daigdig na iyong ginagalawan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano mo mailalarawan ang daigdig na iyong ginagalawan? Parang ang hirap sagutin nito!!

Sagot verified answer sagot

Paano mo mailalarawan ang daigdig na iyong ginagalawanSa maraming paraan ay maaari kong mailarawan ang mundong ginagalawan ko. Gayunman, hindi naman maitatanggi na sa ilang salita ay maaari mong mabigyan ng deskripsyon ang mundong kinaroroonan mo.

Sa aking palagay, ang mundong ginagalawan ko ay isang mundong parang tsubibo. Ang tsubibo sa mga karnabal ay taas-baba.

Ganito ko rin masasabi kung paano ang mundo kong ginagalawan. Kung minsan, puno ng saya at ang pakiramdam mo ay umaapaw sa kaligayahan na para kang nasa taas.

Kung minsan naman, ang mundong ginagalawan ko ay nasa baba na puro problema at dagok. Ganito lamang siguro ang mundo. Hindi naman pwedeng puro saya. Kailangan din ng lungkot upang matuto tayo nang maraming bagay.