Katanungan
Paano nagapi ng mga tutubi ang mga matsing sa labanan?
Sagot
Sa pabulang may pamagat na “Nagkamali ng Utos,” ipinakilala tayo sa dalawang pangkat: ang mga tutubi at ang mga matsing.
Dahil sa isang hindi kaaya-ayang karanasan ng prinsesang tutubi sa mga matsing ay nagkaroon ng hidwaan at labanan sa pagitan ng dalawang panig.
Nagapi ng mga tutubi ang mga matsing sa labanan matapos magkamali ng utos (kung saan nagmula ang pamagat ng pabula) ang hari ng mga matsing.
Utos kasi ng hari ng mga matsing na basta-basta na lamang pukpukin ang mga tutubi. Ngunit naging matalino at mautak ang mga tutubi.
Sila ay dumapo sa ulo ng mga matsing kaya naman nagmukhang pinupukpok ng mga matsing ang kanilang sariling ulo.