Paano nagiging dahilan ng kalamidad ang global warming?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano nagiging dahilan ng kalamidad ang global warming?

Sagot verified answer sagot

Paano nagiging dahilan ng kalamidad ang global warmingAng global warming ay nagiging dahilan ng kalamidad dahil ang global warming ay nagdudulot naman ng climate change. Ang labis na pag-init ng mundo ay nagdudulot ng pagbabago ng panahon at kung magbabago ang panahon, mas malalakas na kalamidad ang dumaraan sa mundo.

Halimbawa nito ay mas malalakas na pagbagyo na nagiging sanhi naman ng mas malalaking pinsala sa iba’t ibang bansa lalo na sa Pilipinas na madalas daanan ng bagyo.

Ang global warming din ay sinasabing nagiging sanhi ng paglusaw ng yelo ng ilang lugar sa mundo at kung nalulusaw ang yelo ay nagiging mataas naman ang tubig na nagpapalubog sa ilang kalupaan ng mundo.