Paano naging katangi-tangi ang teknolohiya ng mga Hittites sa mga sinaunang tao sa Asya?

Katanungan

paano naging katangi-tangi ang teknolohiya ng mga hittites sa mga sinaunang tao sa asya?

Sagot verified answer sagot

Naging katangi-tangi ang teknolohiya ng mga Hittites sa mga sinaunang tao sa asya dahil sa pagkakalikha ng mga armas gamit ang Bakal.

Ang Kabihasnang Hittite ay umusbong noong 2460 BCE o sa pagsisimula ng lumang kaharian. Ito ay umusbong sa Anatolia o Asia Minor na matatagpuan sa nakausling tangway sa dagat Mediterranean at Black Sea.

Pinaniniwalaang ang mga Hittite ay isa sa mga mahihinang bahagi ng lipi ng Indio-Europeo subalit sa ilalim ngpamumuno ni Telepinus ay pinatatag at pinalakas nito ang imperyo.

Isa sa hindi matatawarang ambag ng kabihasnang ito ay ang pagkakatuklas ng bakal na siyang naging pangunahing material na ginamit sa pagbuo ng mga armas.