Katanungan
paano nagkaroon ng gampanin ang presyo upang magkaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
Sagot
Presyo ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa mga produkto at serbisyo sa isang pamilihan. Isa rin ito sa pinakamahalagang konsepto sa ekonomiya.
Bagamat ang presyo ay may ginagampanan na tungkulin sa pagkakaroon ng ekwilibriyo sa merkado. Ekwilibriyo ang tawag kung saan ang demand at supply sa isang pamilihan ay patas.
Dinidiktahan ng presyo ang ekwilibriyo na ito. Ang presyo ang nagbabalanse sa bilang ng mga produkto na magagawa o matatapos at bilang ng mga produkto na mabibili sa merkado.
Maaaring magtaas ang presyo kung mataas ang demanda sa produkto o serbisyo. At ang kasalungat naman ang mangyayari kung bababa ang demanda sa produkto o serbisyo.