Katanungan
Paano nahati ang Asya sa mga rehiyon?
Sagot 
Nahati ang mga rehiyon sa Asya sa pamamagitan ng iba’t ibang salik o konsiderasyon. Una na rito ay ang kanilang lokasyon.
Ang lokasyon ang pinakamahalagang konsiderasyon sa pagkakahati dahil mababatid ito sa pangalan ng bawat rehiyon.
Ang lokasyon kasi ang pinakamadaling pagkakabuklod upang mapag-aralan nang mabuti ang bawat rehiyon.
Maliban dito, naging batayan din ng pagkakahati ng mga rehiyon ang pagkakatulad ng wika, pagkain, paniniwala, at tradisyon.
Mas madali kasing pag-aralan ang bawat rehiyon kung mayroong pagkakatulad sa mga aspektong nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Isa pa sa salik na pinagbatayan ay ang mga pinagkukunang yaman o ang pinagmumulan ng likas na yaman.