Paano naiiba ang anekdota sa ibang akdang pampanitikan?

Katanungan Sagot

8

Katanungan

paano naiiba ang anekdota sa ibang akdang pampanitikan?

Sagot verified answer sagot

Naiiba ang anekdota sa ibang akdang pampanitikan dahil ito ay naglalaman ng mga panyayaring tunay na naganap sa buhay ng isang tao subalit ang mga pangyayaring ito ay kakaiba o di naman kaya ay katawa-tawa na nagbibigay aral sa mga tao.

Ang anekdota ay isang akda na naisusulat sa anyong tuluyan subalit ang tema nito at nilalaman ay kakaiba sa iba pang mga akdang pampanitikan.

Ito ay mayroong dalawang klase: ang kataka-taka o mga pangyayaring hindi madalas nararanasan ng tao at ang hango sa buhay ng isang tanyag o kilalang indibidwal. Ang akdang ito ay kinapapalooban ng mga pangyayaring interesante sa mga tao.