Paano naiiba ang dagli sa iba pang akdang pampanitikan?

Katanungan

Paano po naiiba ang dagli mula sa iba pang mga akdang pampanitikan?

Sagot verified answer sagot

Bagamat isa ring uri ng akdang pampanitikan ang dagli, marami rin naman itong pagkakaiba mula sa iba pang uri ng mga akdang pampanitikan.

Ang pangunahing dahilan kaya naiiba ang dagli sa iba pang uri ng akdang pampanitikan ay marahil ito na ang pinakamaikling uri sa lahat. Mas maikli pa ang dagli kaysa sa maikling kwento.

Ito ay binubuo lamang ng isang daan hanggang apat na raan na mga salita. Hindi ito nahahati sa mga parte kaya naman wala itong panimula, pang-gitna, o pang-wakas.

Imbes na maglahad o maglarawan, ang isang dagli ay nanunuligsa o nangangaral. Hindi man ito laging hango sa katotohanan ngunit sinasalamin naman nit ang kasalukuyang kalagayan ng ating pamumuhay.