Paano naipakita ng mga Aztec ang kanilang pagiging malikhain at maparaan sa larangan ng agrikultura kung saan kulang ang kanilang taniman?

Katanungan

paano naipakita ng mga aztec ang kanilang pagiging malikhain ?

Sagot verified answer sagot

Habang umuusbong ang mga sibilisasyon sa kontinenteng Europa, Aprika, at Asya, hindi rin naman nagpahuli ang kontinente ng Timog Amerika.

Isa sa mga pinakatanyag at pinakamakapangyarihang kabihasnan nila noong sinaunang panahon ay ang kabihasnang Aztec. Ang mga Aztec ay kinilala rin sa kanilang husay sa arkitektura, sining, agham, matematika, at iba pa.

Sa larangan ng agrikultura, kanilang ipinamalas ang natural nilang talento (lalo na at kulang ang kanilang taniman) sa pamamagitan ng paglikha ng mga chinampas o floating gardens sa kanilang mga sapa.

Ang mga chinampas na ito ay dinisenyo bilang mga artipisyal na isla upang mas lumago ang kanilang mga taniman.