Paano nakakaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano nakakaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?

Sagot verified answer sagot

Paano nakakaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugarAng klima ay mayroong malaking epekto sa buhay ng mga mamamayan sa isang lugar. Ang klima ay ang panahon sa isang lugar na maaaring maging sanhi ng ilang pagbabago sa buhay ng taong nakatira doon.

Kailangang malaman ang klima sa isang partikular na panahon upang malaman ang mga paghahanda na dapat gawin kabilang ang damit na isusuot, ang pagkaing ihahanda, at kung ano ang maaaring gawin upang malabanan ang hindi magandang dulot ng panahon o klima.

Ang klima rin ang nagtatakda ng mga produktong malilikha o maaani ng isang lugar. Ang klima kasi ay nakaaapekto sa pagtubo ng mga halaman at pagbuo ng mga mineral sa ilalim ng lupa.