Paano nakakatulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa pagsusulat ng isang mag-aaral?

Katanungan

Paano nakakatulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa pagsusulat ng isang mag-aaral?

Sagot verified answer sagot

Ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa pagsusulat ng isang mag-aaral ay nakatutulong sa kani-kanyang pamamaraan.

Ang pagiging malikhain ay kapaki-pakinabang sa pagpapalawak ng mga kaisipan o ideya na ilulunsad sa pagsulat.

Ito ay naisasagawa sa tulong na malawak na imahinasyon ng isang mag-aaral kung saan mas naka-iisip ito ng mga ideyang bago at hitik sa iba’t ibang tema.

Samantala, ang mapanuring pag-iisip naman ay nakatutulong upang maging maayos ang estruktura ng pagsulat.

Ito ay isinasagawa sa tulong ng pagsasagawa ng pagsisiyasat upang higit na mapalawak ang mga ideyang nabuo sa tulong ng pagkamalikhain. Sa tulong nito, higit na nagagawang makatotohanan ang mga ideyang nakapaloob sa sulatin.