Katanungan
paano nakatutulong ang mga paalalang ito sa pangangalaga ng kalikasan?
Sagot
Nakatutulong ang mga paalalang ito sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng nababawasan nito ang mga kilos o aksyon na nakasisira sa ating kalikasan at maaaring mabago nito ang mga pamamaraang may masamang epekto sa kapaligiran.
Ang pangangalaga ng kalikasan gayundin ang pagbibigay proteksyon dito ay isang gampanin na tinataglay ng bawat indibidwal sa mundo anuman ang antas at katayuan nito sa lipunan, at anumang ahensiya ang kinabibilangan nito sapagkat ang bawat tao ay ang naatasang tagapangalaga ng kapaligiran.
Idagdag pa riyan na ang pangangalaga dito ay nakatutulong upang maiwasan ang iba’t ibang kalamidad gaya na lamang ng pagbaha at pagguho ng lupa na lubhang nakapipinsala sa mga tao at iba pang nabubuhay sa mundo,