Katanungan
paano napakinabangan ng mga aztec ang mga lupain na kanilang sinakop?
Sagot
Dahil sa mga iba pang lupain na patuloy at matagumpay na nasakop ng kabihasnang Aztec ay mas dumami at lumawak ang kanilang lupain na maaaring pagtaniman at pagsakahan.
Ating alam na agrikultura ang pangunahing hanapbuhay sa kabihasnan. Kaya naman malaking tulong ang kanilang nasasakupan dahil sa marami ang kanilang mapagkukunan ng mga likas na yaman.
Ang kabihasnang Aztec rin ay malapit sa mga baybayin ng tubig kaya naging sapat ang suplay nito para sa kanilang mga tanim.
Sa katunayan, sila rin ang nakaimbento ng sistema ng irigasyon na hanggang ngayon ay ginagamit natin. Ang irigasyon ay nagpadali at nagpabilis sa daloy ng tubig patungo sa kanilang mga tanim.