Paano nauugnay ang kalayaan sa responsibilidad?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano nauugnay ang kalayaan sa responsibilidad?

Sagot verified answer sagot

Kung ikaw ay pamilyar sa tanyag na pelikulang Spiderman, isa sa mga linya dito ay ang kaugnayan ng kalayaan sa responsibilidad. Ang responsibilidad ay tumutukoy sa pananagutan ng isang tao tungkol sa isang bagay.

Ayon sa pelikula, ang isang taong may dakilang kalayaan na tinatamasa ay may kaakibat na malaking responsibilidad. Ating tatandaan na may mga batas, alituntunin, panuntunan, at iba pa ang dapat sundin.

Hindi porke ikaw ay malaya ay malaya ka na rin talagang gawin ang lahat. Dito pumapasok ang usaping responsibilidad o pananagutan.

Ikaw ay dapat pa rin sumunod sa mga batas dahil itinakda ang mga iyon upang mas mapabuti at mas mapaunlad ang bansa.