Paano pinaunlad ng mga Minoan ang kanilang kabihasnan?

Katanungan

paano pinaunlad ng mga minoan ang kanilang kabihasnan?

Sagot verified answer sagot

Ang kabihasnang Minoan ay isa sa mga pinakaunang sibilisasyon na umusbong bago pa man maitatag ang isa sa mga pinakamakapangyarihang imperyo sa buong mundo, ang imperyong Griyego.

Napalago ng mga Minoans ang kanilang kabihasnan dadhil nagsimula silang makipagkalakalan sa iba pang mga kabihasnang umusbong noong panahon nila.

Mula sa ivory, mga kagamitang yari sa metal, langis, palayok, pagkain, at marami pang iba.

Dahil malapit rin sa anyong tubig ang kabihasnan, napakadali lamang makipagkalakalan at makipagpalitan ng mga produkto sa kanila kahit saang lupalop pa ng mundo galing.

Ito ang nakatulong sa mga Minoan upang palakasin at patatagin ang kanilang kabihasnan.