Katanungan
Paano po tinanggap ng mga delegado sa pambansang kumperensiya ang pamamaslang sa isang bata sa Tarlac?
Sagot
Nagdadalamhati at malungkot na tinanggap ng mga delegado sa pambansang kumperensiya ang pamamaslang sa isang bata sa lalawigan ng Tarlac.
Ang pambansang kumperensiya na naganap ay pinangunahan ni Melissa San Miguel, punong direktor ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns.
Ang pagpaslang sa labinlimang taong gulang na bata sa tarlac ay tunay namang isang karumal-dumal na krimen.
Kaya naman ganoon na lamang ang pagluluksa ng mahigit tatlong daang delegado sa pambasang kumperensiya na naganap upang pag-usapan ang pagpapaigting ng seguridad ng mga bata at kabataan, hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi na rin sa buong mundo. Ang mga bata ay inosente.