Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng hari ng tutubi sa pabulang nagkamali ng utos at ang kuneho sa ang hatol ng kuneho?

Katanungan

Ano’ng po ang pagkakaiba ng pag-uugali ng Haring Tutubi at ng Kuneho?

Sagot verified answer sagot

Mula sa dalawang pabulang ating nabasa, ang “Nagkamali ng Utos” at “Ang Hatol ng Kuneho” ay maaari nating paghambingin ang naging katangian ng hari ng mga tutubi at ng kuneho.

Isa sa mga parehong katangian ng mga pangunahing tauhan sa dalawang pabula ay ang paggamit nila ng kanilang isip.

Sa pamamagitan ng kanilang pagiging mautak at matalino sa gitna ng problema ay nalagpasan nila ang suliranin na kanilang kinaharap. Nailigtas nila ang kailangan nilang maligtas.

Ang pagkakaiba lamang sa dalawa ay ang haring tutubi ay may posisyon na ginagampanan sa kanyang kaharian, habang ang kuneho naman ay simpleng tauhan lamang napadaan at nais na matulungan ang tao.