Katanungan
pagkakatulad ng pakikilahok at bolunterismo?
Sagot
May pagkakaparehas ito sa kanilang partisipasyon dahil dumadalo ang mga tao upang magpakita ng kanilang interes o puso sa pagtulong sa iilang bagay.
Ang kanilang paglahok o bolunterismo ay ibig sabihin maipapamalas nila ang kanilang kakayahan o kaya talento sa isang bagay. Bukod pa rito, makatutulong ito sa kanilang tiwala sa sarili at tiwala mula sa kapwa dahil nagpapakita sila rin ng inisyatiba sa mga gawain.
Ang bolunterismo at pakikilahok ay nakatutulong din upang magkaroon ng “nation building” sa ating bansa at mapaunlad ang lipunan.
Malaki ang ambag nito sa pakikipagkapwa tao at kaunlaran ng mga komunidad upang magtulungan kahit hindi magkakakilala.