Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng manunulat

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng manunulat?

Sagot verified answer sagot

Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng manunulatAng pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng manunulat ay tinatawag na panunuring pampanitikan.

Ang panunuring pampanitikan ay isang mamlalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.

Ang pagsusuring pampanitikan ay isa ring pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri, at pagbibigay ng paliwanag tungkol sa panitikang nahahati sa dalawang sangay.

Ito ay ang mga sangay ng pagdulog at pananalig. Sa pagsusuri ng akda, kailangan ag pagsusuri ay may katalinuhan, seryoso, at masidhi ang damdamin upang makamit ang minimithing adhikain na mabigyan ng paliwanag ang panitikang sinusuri.