Palatandaan ng pag unlad ng kabihasnang Africa?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

palatandaan ng pag unlad ng kabihasnang Africa?

Sagot verified answer sagot

Ang palatandaan ng pag-unlad ng kabihasnang Africa ay ang pag-usbong ng mga imperyo gayundin ang pagpapalawak ng kanilang teritoryo.

Ang kabihasnang Africa ang unang naging tirahan ng mga lahi ng Nok na kinilala sa kasaysayan na mga magsasakang tao na silang unang nagkaroon ng kaalaman sa paggamit ng bakal.

Dito nakilala ang iba’t ibang kabihasnang umusbong na nagbigay ng mga kani-kanyang ambag sa pag-unlad ng kabihasnan.

Ang mga kabihasnang ito ay tinawag na Ghana Mali, at Songhai na nagkakaiba-iba ang mga tungkuling ginampanan sa pagpapaunlad ng Africa.

Ang Ghana ay naging masagana dahil sa kalakalan, pamamahala at pananakop naman ang naging ambag ng Mali, at paglawak naman ng teritoryo ang sa Songhai.