Katanungan
pamahalaang lokal para sa lalawigang hindi pa mapayapa?
Sagot
Ang corregimento ay ang tawag sa pamahalaang lokal para sa mga lalawigang hindi pa mapayapa.
Ang corregimiento ay isang salita mula sa mga Espanyol na kung saan ito ay ginagamit upang mabigyan ng pang-administratibong layunin ang isang subdibisyon na tinatayang may kakulangan sa kapayapaan sapagkat karaniwan sa mga pook na ito ay ninanais na makipaglaban na lamang upang hindi masakop o mapasailalim ng pamumuno ng iba higit na ng mga mananakop na dayuhan.
Ang kinikilalang pinuno nito ay tinatawag na Corregidor na siyang nangangasiwa sa isang pook upang masiguro na ito ay magkakaroon ng pagkakaisa upang maitaguyod ang kanilang layunin.