Panahon kung kailan naisulat ang tanka?

Katanungan Sagot

Katanungan

panahon kung kailan naisulat ang tanka?

Sagot verified answer sagot

Noong ikawalong siglo nabuo at naisulat ang tanka. Ang tanka ay isang klase ng panitikan na nagmula pa sa mga hapon.

Ito ay isang awiting maikli na kinapapalooban ng mga masidhing damdamin upang maipahayag ng kaaya-aya ang emosyon at kaisipang nais ipabatid.

Ito ay pinaniniwalaang unang naisulat noong panahon ng hapon sa ikawalong siglo. Isa ito sa mga itinuturing na pinakamatandang klase ng tula sa bansang Japan kung kaya’t ito ay higit na pinahahalagahan ng kultuang hapon hanggang sa kasalukuyan.

Karaniwang pinapaksa ng panitikang ito ang damdamin at emosyon ng isang tao. Ang tanka ay binubuo ng limang taludtod kung saan tatlo sa mga ito ay may pitong pantig at ang natitira ay binubuo naman ng limang pantig.