Pangunahing layunin ng lipunang sibil?

Katanungan Sagot

Katanungan

pangunahing layunin ng lipunang sibil?

Sagot verified answer sagot

Ang pangunahing layunin ng lipunang sibil ay matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na bigong masolusyunan ng pamahalaan.

Ang lipunang sibil ay mga organisasyong hindi nakasailalim sa pamahalaan na handang tugunan ang mga bagay na kailangan ng mga tao subalit hindi mabigyang kasagutan ng gobyerno.

Ilan sa mga halimbawa nito ay ang midya na siyang tumutugon sa mga pangangailang impormasyon ng mga mamamayan ukol sa mga pangyayari sa kanilang bansang ginagalawan.

Layunin ng organisasyong ito na maitaguyod ang kabutihang panlahat. Ikalawa ay ang simbahan na siyang tumutugon sa pang-espirituwal na pangangailangan ng tao.

Ang organisasyong ito ay naglalayong maipalaganap ang mga espirituwal na kagalingan para sa lahat. Ang lipunang sibil bagamat hindi bahagi ng gobyerno ay nakatutulong din sa iba’t ibang proyekto tulad ng pangangalaga sa paligid o kalikasan.