Pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa sa paksa?

Katanungan

Maaari po bang malaman kung ano ang tinatawag na pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa sa paksa? Salamat po sa pagtugon.

Sagot verified answer sagot

May dalawang ayos ng pangungusap na sinusunod sa ating wikang Filipino. Ang isa sa mga ayos na ito ay mas nauuna ang panaguri kaysa sa paksa. Ito ay ang Karaniwang ayos.

Ang panaguri ang nauuna, kung saan laman nito ang pandiwa o salita na naglalarawan sa kilos, pang-abay, at pang-uri.

Nahuhuli naman ang paksa, na minsan ay tinatawag rin na simuno, na siyang pangunahing pinag-uusapan sa pangungusap.

Isang halimbawa ng pangungusap na nasa Karaniwang ayos ay:

Bumili ng bagong damit si Pedro.

Ang panaguri dito ay ang nauunang parirala na bumili ng bagong damit. Habang si Pedro naman ang paksa.