Paraan at dahilan ng pananakop sa Malaysia at ang kanluraning bansa na nakasakop sa Malaysia?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paraan at dahilan ng pananakop sa malaysia at ang kanluraning bansa na nakasakop sa malaysia (200 words)?

Sagot verified answer sagot

Sinakop ang Malaysia noon dahil maganda ang lugar nila bilang daungan ng mga kalakal at naka sentro rin sila sa kalakalan.

Noon pa mana ang primaryang ginagamit na pagpapadala ng mga pampalasa, produkto, at iba pang pera ay mga barko o bangka kaya mahalaga ang katubigan para sa mga mangangalakal.

Kailangan nila makahanap ng taktikal na daanan upang hindi sila magtagal masyado sa karagatan dahil mahal ang pagdadaong sa mga katubigan at kailangan maraming bitbit na pagkain, dahil na rin sa kahabaan ng panahon na makarating sa isang lugar at maraming manggagawa nitong kasama sa loob ng isang bangka o barko.

Mahalaga ito para sa mga negosyante upang mas mapabilis ang kanilang pagpapalitan ng mga produkto at mabilis ang kita. Kailangan ay hindi rin sila masyado gumastos para sa eksplorasyon upang mas gumanansya sila. Bukod pa rito, nais din nila makadiskubre ng iba’t ibang pampalasa mula sa mga bansa sa Asya.

Nais nilang makahanap ng daanan o taktikal na daungan upang mas marami rin ang pakikipag-kalakalan nila sa ibang bansa, at maging makapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga produkto. Dahil sa mga daungan o daanan na ito ay nabubuo rin ang kanilang relasyon mula sa mga karatig-bansa na kung saan nakahahanap sila ng alyansa.