Pinuno ng mga katutubo sa Mactan na nakipaglaban at nagtagumpay laban sa mga Espanyol kung saan nasawi si magellan?

Katanungan

Ano po ang pangalan ng pinuno ng mga katutubo sa Mactan na nakipaglaban at nagtagumpay laban sa mga Espanyol kung saan nasawi si Magellan?

Sagot verified answer sagot

Ang pinuno ng mga katutubo sa Mactan, Cebu na nakipaglaban at nagtagumpay laban sa mga Espanyol kung saan nasawi si Ferdinand Magellan ay walang iba kung hindi ang matipuno at matapang na si Lapu-lapu. 

Sa katapangan ng pamumuno ni Lapu-lapu ay naging malaya saglit ang lalawigan ng Cebu, partikular na ang Mactan, mula sa kagustuhang manakop at pang-aabuso ng mga Kastila.

Ang labanan na naganap sa pagitan ng pangkat ni Lapu-lapu at ng mga sundalong Espanyol at ni Magellan ay tinatawag na Labanan sa Mactan.

Isa ito sa mga pinakamakasaysayang digmaang naganap sa lalawigan ng Cebu. Hindi makakalimutan ng mga Cebuano ang katapangan na ipinakita ni Lapu-Lapu.