Katanungan
sa anong artikulo ng saligang batas nakasaad ang tungkol sa ating bansa?
Sagot
Sa ating konstitusyon, makikita sa Saligang Batas 1987 Artikulo I na may pamagat na “Pambansang Teritoryo” ang lahat ng mga impormasyon na nakasulat patungkol sa ating bansa.
Inilalarawan sa artikulo na ito ang teritoryo at lupain na nasasakupan ng ating bansa—kabilang na ang mga nakapaloob dito na lupain, ang karagatan at dagat na pumalaligid sa bansa, at maging ang himpapawid na teritoryo.
Lahat ng nabanggit ay nasa hurisdiksyon ng pamahalaan na namamahala sa ating bansang Pilipinas. Susunod naman sa artikulo na ito ay ang Simulain at Patakaran ng Estado, na siya pa ring naglalarawan sa Pilipinas at sa gobyerno nito.