Katanungan
sa anong panahon unang lumaganap ang koridong ibong adarna?
Sagot
Sa panahon ng mga Espanyol o Kastila unang lumaganap ang koridong Ibong Adarna. Ang akdang pampanitikan na Ibong Adarna ay isang uri ng korido na naging malaking bahagi ng panitikan ng mga Pilipino.
Naisulat at nakilala ito sa panahon ng pananakop ng mga dayuhang Espanyol o Kastila sa bansa na siyang nagsilbing libangan ng mga tao sa nasabing panahon. Ang koridong ito ay sumasalamin sa isang pamilya na silang naghahari sa kaharian ng Berbanya.
Nang magkasakit ang ama ng tatlong prinsipe na kinilalang sina Don Pedro, Don Diego, at si Don Juan ay isa-isang nagboluntaryo ang mga ito upang hulihin ang Ibong Adarna na pinaniniwalaang makagagamot sa dinaramdam ng hari. Subalit ang bawat paglalakbay ay magkakaiba ang kinahantungan.