Katanungan
Sa barayting ito lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita?
Sagot
Sa barayti ng wika na tinatawag na Idyolek makikita ang paglutang ng mga ktangian at kakanyahan natatangi ng isang taong nagsasalita.
Ibig sabihin nito ay pinapakita nito ang pagiging “unique” ng isang indibidwal sa pamamaraan ng kanyang pananalita at sa paggamit niya ng mga salita at wika.
Kumbaga ay ito ang nagiging tatak ng isang tao dahil nga “unique” ito. Maaaring ang idyolek ang maging pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Malalaman agad sa pamamaraan ng kanyang pananalita at paggamit ng mga salita ang kanyang katauhan bagamat siya lamang ang ganoon o naiiba ang istilo sa tulong ng pagkakaroon ng kanyang sariling idyolek.