Katanungan
sa iyong palagay ano ang kahulugan ng bawat hugis at kulay ng mga simbolo na nasa watawat?
Sagot
Ang watawat ng Pilipinas ay may katumbas na mga simbolo. Sa kulay asul sa taas na bahagi ng watawat, ito ay simbolo ng kapayapaan.
Ang pula naman sa baba ay nangangahulugang digmaan pag nakabaliktad ito, ngunit sumisimbolo rin ito ng kagitingan. Ang tatsulok naman ay pagkakapantay pantay sa ating lipunan.
Mahalaga na matukoy ang simbolo sa ating watawat upang manatili sa atin ang nasyonalismo at bakit identidad ito ng bansa.
Bukod pa rito, ang mga sinag sa loob ng watawat ay simbolo ng mga unang nag alsang bayan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Sila ang nanguna sa pakikipaglaban sa kolonyalismo.