Katanungan
sa iyong palagay bakit pinamagatang ang matanda at ang dagat?
Sagot
Ang matanda ay simbolo ng mga tao habang ang dagat naman ay ang simbolo ng malawak at malaking buhay na lipunang kinagagalawan at kinabibilangan nila.
Ang dagat ay maraming mga isda, simbolo rin ng iba’t ibang pagsubok sa kanilang mga buhay kaya ang ginawa ni Santiago sa kwento ay nilampasan niya rin ito.
Sinasalamin nito ang mga balakid o kaganapan sa buhay ng mga tao ay matatapos, malalampasan, at mapagtatagumpayan.
Bagamat malaki man o maliit ang mga ikinakaharap sa buhay ay makukuhaan pa rin ito ng mga mensahe para sa buhay o kaya mga aral na maaaring makatulong sa ating mga pag uugali.