Sa iyong palagay kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao? bakit??

Katanungan

Sa inyong po palagay, kung makapagsasalita muli ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon, ano po ang kanilang hatol sa ating mga tao? Bakit po?

Sagot verified answer sagot

Sa aking sariling opinyon, kung magkakaroon man ng sitwasyon kung saan makakapagsalita ang mga nilalang sa kalikasan, bukod sa tao, ay marami silang nais iparating sa atin.

Bilang mga tao, tayo ang angunahing nangangalaga ng kalikasan at mga nilalang na namumuhay kasama natin dahil tayo ang biniyayaan ng Diyos na Maykapal ng kakayahan mag-isip at umunawa.

Kung makakapagsalita lamang ang iba pang mga nilalang ay sa tingin ko nais nilang sabihin na mas pangalagaan pa natin ang kalikasan.

Bigyan pa natin at pagtuunan ng mas madaming pansin ang ating mundong ginagalawan pati na rin ang mga nilalang na kasama natin.