Sa iyong palagay paano ka mabibigyan ng mabuting edukasyon ng iyong pamilya?

Katanungan

sa iyong palagay paano ka mabibigyan ng mabuting edukasyon ng iyong pamilya?

Sagot verified answer sagot

Sa aking palagay, mabibigyan ako ng mabuting edukasyon ng aking pamilya sa pamamagitan ng pagsisikap na maitaguyod ang aking pagtatapos hanggang sa kolehiyo gayundin ang patuloy na paggabay at paghasa ng mga magagandang kaugalian sa akin.

Ang edukasyon ang maituturing na pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. Sa kabila ng kahirapan at mga hamong kinahaharap sa buhay, ito ang natatanging hindi mapapalitan o matutmbasan ng halaga.

Mahalaga ang edukasyon sa atin sapagkat ito ang humahasa at lumilinang sa ating mga kaalaman at kasanayan na sa pagdating ng araw ay siya nating magiging sandata upang maiahon at matulungan an gating pamilya.