Sa iyong pananaw paano mo masasabi na ang isang tao ay bata?

Katanungan

Paano mo masasabi na ang isang tao ay bata pa po?

Sagot verified answer sagot

Sa aking sariling pananaw, masasabi ko na ang isang tao ay bata hindi batay sa pisikal na anyo nito kung hindi kabilang na rin ang pang-kaisipan, kilos, at pag-uugali nito.

Sa ilalim ng konstitusyon ng ating bansang Pilipinas, itinuturing na bata ang kahit sino edad labing-walo pababa. Ngunit para sa akin, kailangan natin suriin ang mga aspeto na binanggit ko kanina.

Maaari nating ituring ang isang tao na bata kung ito ay walang kaalam-alam sa mundo, marahil ay may sakit ito sa pag-iisip o hindi kaya naman ay hindi mulat sa mga panlipunang isyu.

Ang mga taong sensitibo rin sa mga bagay-bagay ay maaaring ituring na bata.