Sa kasalukuyang panahon sa iyong paligid ba ay may mga Mathilde?

Katanungan

Sa kasalukuyang panahon sa iyong paligid ba ay may mga Mathilde?

Sagot verified answer sagot

Ipinakilala ng may akda na si Guy de Maupassant ang isa sa mga tauhan sa kanyang maikling kwentong may pamagat na Ang Kwintas na si Mathilde. Si Mathilde ay ang asawa ni Ginoong Loisel.

Hindi magarbo ang kanilang pamumuhay kaya naman si Mathilde ay hindi nakukuntento. Sa kasalukuyang panahon, masasabi pa rin natin na may mga tao pa ring katulad ni Mathilde na hindi marunong makunteto.

Gagawa at gagawa sila ng paraan upang hindi sila malamangan ng kahit sinoman, kahit na wala naman kumpetensiyang nagaganap.

Ayaw nilang may mas nakakaangat sa kanila. Kahit na hindi nila kayang tugunan ang isang bagay ay ipagpipilitan nila ito.