Sa pamamagitan nito dumating ang mga Ita sa ating bansa

Katanungan Sagot

Katanungan

Sa pamamagitan nito dumating ang mga Ita sa ating bansa.. hmmm.. ano kaya ang sagot?

Sagot verified answer sagot

Sa pamamagitan nito dumating ang mga Ita sa ating bansaPinaniniwalaan ng ibang historyador na ang mga Ita o Aeta ay nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulay na lupa.

Naglakad raw ang mga ito mula sa Borneo at dumaan sa mga tulay na lupa upang marating ang kalupaan ng Pilipinas, partikular na ang mga lugar ng Palawan, Mindoro, at iba pang bahagi ng Mindanao.

Gayunman, kahit lumalabas sa mga aklat ang konsepto ng tulay na lupa, hindi naman iniaalis ng mga eksperto na maaaring may iba pang daan o paraan ang ginawa ng mga Ita o Aeta upang makapaglakbay mula sa Borneo patungo rito sa Pilipinas. May nagsasabi rin na may mga naunang tao pa kaysa sa mga Aeta na nakarating sa Pilipinas.