Saan hinango ang salitang balagtasan?

Katanungan

saan hinango ang salitang balagtasan?

Sagot verified answer sagot

Hinango ang salitang balagtasan mula sa apilyido ni Francisco Balagtas. Ang balagtasan ay isang anyo ng sining na pagtatalo kung saan naglalahad ito ng mga saloobin ng isang indibdiwal patungkol sa isyu o paksa.

Ito ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga pahayag sa pagitan ng magkabilang panig.

Ang layunin nito ay makapagbigay ng aliw sa mga manonood na subalit mayroong talas ng isipan ang bawat kasapi.

Sa nagdaang panahon, naging tulay ang balagtasan para maiparating ng mga manunulat ang kanilang hinaing o opinyon na may kaugnayan sa usaping pulitika o mga pangyayaring napapanahon at patok pag-usapan.