Katanungan
saan matatagpuan ang gaddang?
Sagot
Sa Luzon matatagpuan ang gaddang. Ang mga gaddang ay isang pangkat-etniko na kilala rin sa mga tawag na Gaddanes, Gadam, o Iraya na matatagpuan sa Luzon partikular na sa Nueva Viscaya gayundin sa lalawigan ng Isabela.
Ang kanilang pangunahing ikinabubuhay ay ang pagsasaka o ang pagtatanim ng palay, sili, tubo, bawang, gabi, at iba pa.
Samantala, nakatutulong din sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan ang pangangaso, pangingisda pati na rin ang pagtitinda.
Ang mga gaddang ay karaniwang inilalarawan bilang matulungin at tahimik na mga indibidwal subalit sa usaping pakikidigma sila ay matapang at buong loob na handang akipaglaban kung ito ay kinakailangan.