Saan matatagpuan ang Mt. Imugan?

Katanungan Sagot

Katanungan

saan matatagpuan ang mt. imugan?

Sagot verified answer sagot

Saan matatagpuan ang Mt. ImuganAng Mt. Imugan o Bundok Imugan ay matatagpuan sa Santa Fe, Nueva Vizcaya sa rehiyon ng Cagayan Valley. Ito ay isa sa mga lugar na dinarayo sa nasabing lalawigan at rehiyon.

Maliban kasi sa napakagandang tanawin ng bundok, malapit rito ay makikita ang Imugan Water Falls kung saan naman paboritong magtampisaw ng mga turista.

Kailangan munang akyatin ang Mt. Imugan upang masaksihan ang ganda ng Imugan Falls. Dito ay maaaring mangisda at maligo sa napakalinaw na tubig.

Sa di kalayuan ay makikita rin ang Imugan Mountain Fresh Factory kung saan ginagawa ang ilang fruit spreads and jams na maaari namang panoorin ng mga dumarayo.