Saan mo maaaring ireklamo o i-contest ang pagkakahuli sa iyo?

Katanungan

Saan mo maaaring ireklamo o i-contest ang pagkakahuli sa iyo?

Sagot verified answer sagot

Kung ikaw ay nahuling lumabag sa batas pantrapiko at nais mong i-contest, i-reklamo, o ipa-review ang violation na ipinataw sayo, maaari kang magpunta sa tanggapan ng adyudikasyon o Traffic Adjudication Board.

Ayon sa Metro Manila Development Authority o MMDA, ang sinumang gusting ireklamo ang violation na kanilang natanggap habang nagmamaneho ay dapat magdala ng mga karampatang dokumento na nagpapatunay na sila ay nasa tama.

Kabilang na rito ang anumang litrato, bidyo, dashcam reviews, at iba pa. Kailangan maging mapanuri ng mga motorista sa kalsada. Iba ang may alam sa batas pantrapiko at dapat lagging sumunod sa mga ito upang hindi maparusahan.