Saan nagmula ang polka sa nayon?

Katanungan

saan nagmula ang polka sa nayon?

Sagot verified answer sagot

Ito ay nag mula sa Batangas noong panahon ng mga Kastila matapos nila sakupin ang Pilipinas. Ang Polka sa Nayon ay kadalasan na sinasayaw nang pa-parisukat at dapat may kasamang kasayaw.

Isang babae at isang lalake ang kadalasan na nagsasayaw nito sa mga pagtitipon noong panahon ng Espanyol.

Hanggang ngayon, pinag aaralan pa rin ang Polka sa Nayon at sinasayaw pa rin ito bilang pagbabalik sa ating kasaysayan at patunay na nandito pa rin ang naiwang impluwensiya ng mga espanyol.

Higit pa rito, kadalasan na nagsasayaw nito ay sa mga pista ng mga santo o kaya sa mga eskwelahan ng mga kabataan.