Saan nakabatay ang Sistemang Manor?

Katanungan

saan nakabatay ang sistemang manor?

Sagot verified answer sagot

Nakabatay ang sistemang manor sa pagsasaka na siyang nagsilbing kabuhayan at ekonomiko ng lipunan sa larangan ng agrikultura.

Ang sistemang manor ay isa sa mga naging sentro ng lipunan maging ng ekonomiya ng Gitnang Europa kung saan noong unang panahon nakasalalay sa pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga mamamayan.

Sa sistemang ito, ang nagmamay-ari ng lupa o panginoon ay ang siyang nagbibigay ng proteksiyon sa mga taga-bukid kapalit ng paninilbihan nito sa kanyang mga lupain o manor.

Ang tinatayang 1/3 hanggang ½ na lupang sakahan ay pinaniniwalang pagmamay-ari ng panginoon samantalang maliit na bilang o bahagdan naman ng lupain ang pag-aari ng mga magsasaka.