Katanungan
saan unang namalagi si legazpi?
Sagot
Sa Bohol unang namalagi si Legazpi. Si Miguel Lopez de Legazpi ay isang manlalayag sa ilalim ng pamumuno ni Haring Felipe II na nakarating sa bansang Pilipinas.
Siya kasama ang kanyang pangkat ay sinasabing nakarating sa pilipinas noong ika 13 ng Pebrero taong 1565 lulan ng barko na tumahak sa rutang siya ring dinaanan ni Ferdinand Magellan.
Nang makarating sila sa Cebu sila ay pinaalis ng mga katutubo sapagkat inisip ng mga mamamayan na sila ay nagmula sa lahing Portugues kung kaya napadpad sila sa Bohol at dito pansamantalang naglagi.
Sa lugar ding ito naitala ang unang sanduguan sa pagitan ng mga namumuno ng Bohol na sina Sikatuna at Sigala at kay Miguel Lopez de Legazpi na naging tanda ng pagiging magkasundo ng dalawa.