Katanungan
Ano ang Pinagkaiba ng Pilipino sa Filipino?
Sagot
Marami ang nalilito sa pinagkaiba at paggamit ng salitang “Pilipino” sa “Filipino.” Ang Pilipino ang tawag sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas, ano mang pangkat-etniko o grupo ang pinanggalingan nito. Ito ang maituturing na lahi o nationality natin.
Gayunpaman, may mga pagkakataong ginagamit ang letrang F o “Filipino” para tukuyin ang nationality natin. Ito ay kadalasang maririnig sa isang dayuhan.
Sa ganitong pagkakataon, matuturing pa ring tama ito dahil ito ang ordinaryong wikang Ingles para sa katawagan sa nationality natin.
Sa kabilang banda, ang salitang “Filipino” ang tumutukoy sa wikang pambansa ng mga Pilipino. Ito ay nakabase sa wikang Tagalog.