Sangay ng pamahalaan na gumagawa ng batas?

Katanungan

sangay ng pamahalaan na gumagawa ng batas?

Sagot verified answer sagot

Ang Lehislatibong Sangay ng Pamahalaan ang sangay ng pamahalaan na gumagawa ng batas. Ang kapangyarihang ito ay naitatag sa ilalim ng 1987 na Konstitusyon ng Pilipinas.

Ang lehislatibong sangay ay tinatawag rin bilang tagapagbatas bagamat iyon naman ang panguhaning tungkulin nila. Kinabibilangan nito ang House of Representatives at ang Senate House o ang mga senador.

Sila ang gumagawa, nagsusulat, at nagpapasa ng mga batas. Bago maging batas ay magkakaroon ng panukala na tinatawag bilang “Bill”.

Pagdedesisyonan ito ng mga senador at ng mga representantibo at pagbobotohan pagkatapos. Kung nasa mayorya ang boto ay ipapasa na ito bilang isang batas at ipapatupad ng Pangulo.