Sanhi kung bakit dapat magkaroon ng wikang pambansa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sanhi kung bakit dapat magkaroon ng wikang pambansa?

Sagot verified answer sagot

Upang magkaunawaan ang sanhi kung bakit dapat magkaroon ng wikang Pambansa. Ang isang bansa ay mayroong tinatawag na wikang sinasalita ng lahat ng naninirahan dito.

Bukod sa mga kani-kaniyang diyalekto na mula sa mga lugar kung saan sila ipinanganak at lumaki ay dapat ding magkaroon ng wikang pambansa.

Ang wikang ito ang siyang magiging ugat ng kaunawaan ng bawat isa nasaang panig man ng bansa. Ito rin ang magsisilbing buklod ng mga tao sapagkat ang lahat ay nagkakaisa at nagkakaintindihan.

Isinulong din ang pagkakaroon ng wikang pambansa upang magkaroon ng higit na pagkakakilanlan ang mga taong naninirahan sa iisang bansa.