Sanhi ng pagbuo ng batas kautusang pangkagawaran?

Katanungan Sagot

Katanungan

sanhi ng pagbuo ng batas kautusang pangkagawaran?

Sagot verified answer sagot

Ang pagbuo ng batas ng kautusang pangkagawaran kaugnay sa wika ay upang mas mapatatag at mapalakas ang wikang Filipino.

Kung ating mapapansin ay karamihan sa mga bata ngayon ay hirap na sa pag-aaral at pagsasalita ng wika. Ito na rin ay dahil sa impluwensiya ng makabagong teknolohiya at ng maka-kanluraning pag-iisip. Nagiging sanhi ito kaya nagkakaroon ng batas ukol sa wika.

Sa pamamamagitan ng mga batas na ito ay magkakaroon ng mas madaling paraan para sa mga mamamayan na matutunan ang wikang Filipino. Naaalagaan o preserve rin ang wika sa ilalim ng mga batas na ito, na napakahalaga dahil hindi dapat mabura ang wikang Filipino sa ating buhay.